Magnitude 4.0 na aftershock, tumama sa Surigao City
Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang Surigao City na bahagi pa rin ng aftershock ng magnitude 6.7 na lindol na tumama sa Surigao Del Norte noong Biyernes.
Naitala ng Phivolcs ang panibagong aftershock alas 8:35 ng umaga ng Miyerkules sa bahagi ng 10 kilometer South ng Surigao City.
May lalim lamang na 9 kilometers ang pagyanig.
Dahil sa nasabing aftershock, naramdaman ang Intensity IV sa Surigao City at Intensity I sa San Francisco, Southern Leyte.
Samantala, alas 11:23 ng umaga, muling nagkaroon ng pagyanig na magnitude 2.6 sa Surigao City.
Ayon sa Phivolcs, naitala naman ang Intensity I sa nasabing lungsod bunsod ng nasabing aftershock.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.