Ilang operator ng illegal drugs sa bansa, operator din ng ilegal na sugal ayon sa PCSO
Kasabay ng crackdown laban sa mga ilegal na Small Town Lottery (STL) operators, iniimbestigahan na rin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang ugayan ng ilang drug lords sa operasyon ng illegal gambling.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PCSO general manager Alexander Balutan na may mga lalawigan na iisa lamang ang nasa likod ng sindikato ng droga at ilegal na sugal.
Ani Balutan, natalakay na ito ng PCSO sa Philippine National Police (PNP).
“Network iyan eh, kadalasan, sila-sila rin ang may-ari, alam ni General Bato (Dela Rosa) iyan,” sinabi ni Balutan.
Inihalimbawa pa ni Balutan ang kaso ng pamilya Odicta sa Iloilo na aniya, maliban sa may kaugnayan sa ilegal drugs ay may kaugnayan din sa illegal gambling.
Noong August 29, binarily at napatay ang mag-asawang Melvin Odicta Sr. at Meriam Odicta sa Caticlan port.
Iniuugnay sa illegal drugs ang pagkakapaslang sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.