Naitalang aftershocks sa Surigao umabot na sa 181

Photo via Ramond Maximo | Phivolcs Volcanologist
Photo via Ramond Maximo | Phivolcs Volcanologist

Matapos ang magnitude 6.7 na lindol noong Biyernes, nakapagtala na ang Phivolcs ng 181 na afterschocks sa Surigao del Norte .

Pinakahuling naitala ang magnitude 2.6 kaninang alas 2:32 ng madaling araw.

Ang epicenter ng nasabing pagyanig ay tumama sa 6 kilometers North ng Libjo, Surigao del Norte.

Pinakamalakas na aftershock ay ang magnitude 4.9 na naitala noong Sabado at kahapon.

Ayon sa Phivolcs sa mga susunod na araw, magiging mahina naman na ang mga mararanasang pagyanig sa lalawigan.

 

 

 

Read more...