Bumbero patay habang nag-aapula ng sunog sa Negros Occidental

 

Nasawi ang isang bumbero sa gitna ng pag-apula ng kanilang grupo isang sunog sa San Carlos City, Negros Occidental.

Natupok ng apoy ang 13 kabahayan sa nasabing lungsod, na agad pinuntahan ng grupo ng mga bumbero.

Ayon kay Supt. Fred Trajeras ng Negros Island Regioon fire bureau, posibleng may nahawakan si Fire Officer 3 Ricardo Catalan habang tumutulong itong apulahin ang apoy.

Nadala pa sa San Carlos District Hospital si Catalan, ngunit idineklara rin siyang patay habang binibigyang lunas.

Aabot naman sa P100,000 ang halaga ng napinsalang ari-arian sa nasabing sunog.

Read more...