Ayon sa Office of Civil Defense (OCD) sa Caraga Region, ginawa ito ng provincial board dahil na rin sa lawak ng pinsalang idinulot ng malaking lindol kung saan walo rin ang naitalang nasawi.
Maraming gusali ng mga establisyimento at mga kabahayan ang gumuho at napinsala rin dahil sa nasabing lindol.
Kabilang na nga rito ang Anao-aon Bridge sa bayan ng San Francisco, mga kalsada sa bayan ng Mainit, at mga gusali ng paaralan.
Lubha ring napinsala ang runway sa Surigao City airport na isasara sa loob ng isang buwan para isailalim sa pagkukumpuni.
MOST READ
LATEST STORIES