Driver ng Hummer na nakapatay sa 2 nagmomotorsiklo sumuko na

By Jay Dones February 15, 2017 - 04:30 AM

 

Kuha ni Jomar Piquero

Sumuko na sa Quezon City Police District ang driver ng Hummer na nakasagasa at nakapatay sa dalawang nagmomotorsiklo kamakailan sa lungsod.

Iniharap sa isang press conference ng QCPD ang suspek na si Alvin San Pablo at dito, kanya ring nakaharap ang mga kamag-anak ng mga bikimang sina Felix Bose at Lowell Gonzalgo.

Depensa ng suspek na si San Pablo, hindi niya napansin ang dalawang nagmomotorsiklo dahil sa sobrang antok noong Linggo ng madaling-araw sa bahagi ng V. Luna Ave., Bgy. Pinyahan, QC.

Dahil din umano sa labis na pagkataranta makaraan ang pangyayari, kaya siya tumakas at iniwan ang mga biktima na nakahandusay sa kalsada.

Naging emosyonal naman ang kaanak ng mga biktima at iginiit na hindi papayag na aregluhin ng suspek ang kaso.

Samantala, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property with multiple homicide ang suspek na si San Pablo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.