Ayon kay Capt. Joe Patrick Martinez ng 4th Infantry Division, kasama ng nasabing grupo ng NGO ang mga tauhan ng 30th Infantry Battalion Civil Military Operations officer habang pabalik sa Surigao City mula sa pagdadala ng relief goods.
Nangyari ang insidente sa Brgy. Linunggaman sa bayan ng San Francisco, Surigao del Norte, dakong alas-8:30 ng gabi ng Martes.
Hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang mga umatake sa military convoy, dahil natukoy ng militar na ang lugar na ito ay pinupugaran ng mga rebelde.
Sa kabutihang palad, wala namang nasaktan sa nasabing pananambang.