Convoy ng relief goods, inatake ng armadong grupo

By Kabie Aenlle February 15, 2017 - 04:37 AM

 

gun1Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang armadong grupo ang military convoy ng isang non-government organization (NGO) na naghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Surigao del Norte.

Ayon kay Capt. Joe Patrick Martinez ng 4th Infantry Division, kasama ng nasabing grupo ng NGO ang mga tauhan ng 30th Infantry Battalion Civil Military Operations officer habang pabalik sa Surigao City mula sa pagdadala ng relief goods.

Nangyari ang insidente sa Brgy. Linunggaman sa bayan ng San Francisco, Surigao del Norte, dakong alas-8:30 ng gabi ng Martes.

Hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang mga umatake sa military convoy, dahil natukoy ng militar na ang lugar na ito ay pinupugaran ng mga rebelde.

Sa kabutihang palad, wala namang nasaktan sa nasabing pananambang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.