OGCC at PCGG, gustong ipabuwag ni House Speaker Alvarez
Nais na rin ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ipabuwag ang Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) at ang Presidential Commission on Good Government (PCGG).
Ayon kay Alvarez, isusulong niya na mailipat na ang tungkulin ng OGCC at PCGG sa Office of the Solicitor General (OSG).
Paliwanag ng Speaker, wala namang naipapanalong kaso ang dalawang ahensya, partikular ang OGCC, kaya walang dahilan para manatili ang kanilang operasyon.
Bago ito, sinabi ni Alvarez na balak niyang ipabuwag ang Presidential Legislative Liason Office o PLLO dahil ang trabaho umano nito na koordinasyon sa pagitan ng ehekutibo at lehislatura ay nangyayari na sa Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC.
Gusto na rin ni Alvarez na alisan ng kwarto sa loob ng Batasan Complex ang organisasyon ng mga asawa ng mga kongresista o ang Congressional Spouses Foundation, dahil hindi naman daw ito sakop ng tungkulin ng Kapulungan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.