Kinumpirma nito sa March 8 ang 2nd reading approval sa panukala, habang March 15 ang 3rd and final reading.
Ayon kay Alvarez, hindi naman minamadali ng Kamara ang proseso.
Sa katunayan ay noong isang taon pa na-file ang panukalang batas.
Pero giit ni Alvarez, hindi niya papayagan ang anumang mga delaying tactics para hindi agad mapagbotohan ang panukalang magbabalik sa parusang kamatayan.
Dagdag pa ng speaker, wala siyang nakikitang mali sa itinakdang petsa para pagbotohan sa ikatlo at huling pagbasa ang Death Penalty bill.
Kung patatagalin pa aniya ito ay mabibinbin naman ang ibang mahahalagang panukalang batas na isinusulong sa Mababang Kapulungan.