Abella at Andanar, kontra-kontra na naman sa mga pahayag
Mistulang nagkaroon na naman ng miskomunikasyon ang Presidential Communications Office (PCOO).
Ito ay matapos kontrahin ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang pahayag kahapon ni Communications Secretary Martin Andanar ukol sa pahayag ng pangulong Rodrigo Duterte na mayroong dalawang bilyong pisong ayuda para sa mga nabiktima ng lindol sa Surigao.
Sa talumpati ng pangulo sa pagbisita sa Surigao CIty, sinabi nito na mayroon siyang kaunting pera para sa mga naapektuhan ng lindol.
Gayunman, nilinaw ito ni Andanar at iginiit na hindi umano para sa mga nabiktima ng lindol ang sinasabi ng pangulo na dalawang bilyong piso kundi para sa mga manggagawa na naapektuhan ng pagpapasara sa 23 mining company.
Gayunman ayon kay Abella, kung pagbabasehan ay ang primary source ng statement na si Pangulong Duterte, malinaw aniya na ang dalawang bilyong pisong pondo ay para sa mga biktima ng lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.