PNP Chief Dela Rosa, nakipagpulong sa Korean Police kaugnay sa kaso ng pagpatay kay Jee Ick Joo

By Ruel Perez February 14, 2017 - 04:43 PM

PNP-PIO PHOTO
PNP-PIO PHOTO

Nakipagpulong si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa sa mga opisyal ng Korean Police para ilahad ang itinatakbo ng imbestigasyon sa kaso ng pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo.

Kasabay nito ay nakatakda ring ipasa sa Malakanyang ni Dela Rosa ang liham na ipinadala ng may bahay ni Jee.

Ayon kay Dela Rosa, nakasaad sa  sulat ang kahilingan ng pamilya na hayaan na lamang ang PNP ang mag-imbestiga sa kaso.

Sa kabila nito, iginiit ni Dela Rosa na mas mapapabilis at magiging maganda pa rin ang takbo ng imbestigasyon kung magsanib pwersa ang PNP at ang National Bureau of Investigation (NBI) para maresolba ang kaso sa lalong madaling panahon.

Pero ayon kay Dela Rosa, isinumite pa rin niya ito sa palasyo upang hindi mabahiran ng anumang paghihinala kung bakit ang PNP lamang mag-iimbestiga sa kaso ni Jee Ick Joo.

 


 

TAGS: Jee Ick Joo, PNP, Ronald dela Rosa, Jee Ick Joo, PNP, Ronald dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.