Maraming Pinoy, naniniwalang gaganda ang kanilang buhay ngayong taon – SWS

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2017 - 03:57 PM

SWS SURVEYMaraming Pinoy ang naniniwala na magiging maganda ang 2017 sa kanilang buhay, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).

Sa isinagawang survey, 48 percent ang nagsabing magiging maganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan at tatlong porsyento naman ang nagsabi na hindi.

Ginawa ang survey mula December 3 hanggang 6 at kung saan nasa 1,500 ang mga tinanong na respondents.

Ang nasabing bilang ng mga Pinoy na nagsabing gaganda ang kanilang buhay ngayong taon ay mas mataas kumpara sa naging resulta ng survey noong Setyembre kung saan 46 percent lang ang nagsabi na magiging maganda ang buhay nila.

Samantala, 51 percent ang naniniwalang magiging maganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan

 

TAGS: optimism, sws survey, optimism, sws survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.