P1,000 pension hike ng SSS, maibibigay na ngayong linggo
Maaring maibigay na ngayong lingo ang P1,000 na dagdag sa pensyon ng nasa dalawang milyong retirees ng Social Security System (SSS).
Ang nasabing halaga ay kalahati ng P2,000 na planong ipagkaloob na dagdag sa pensyon ng mga retirado.
Ayon kay SSS Chairman Amado Valdez, naisumite na sa Malakanyang ang mga dokumento para sa P1,000 na dagdag pensyon at hinihintay na lamang malagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Una nang sinabi ng SSS na P1,000 muna ang kakayanin na maibigay sa ngayon batay sa kakayahan ng kanilang pondo.
Ang pension increase sa SSS ay bahagi ng campaign promise noon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.