Sa taong 2023, mawawala na ang analog Television.
Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT) target ng pamahalaan na i-switch off na ang analog TV sa nasabing taon.
Ginawa ni DICT Secretary Rodolfo Salalima ang pahayag sa idinaos na digital TV summit.
Sa kaniyang keynote speech, sinabi ni Salalima na sa panahong iyon, dapat 95% ng households sa buong Pilipinas ay mayroon nang access sa digital TV.
Tiniyak naman ng DICT na tutulong ang pamahalaan kung sa 2023 ay mayroon pang ilang kabahayan na wala pang access sa digital TV.
Sa ngayon maliban sa mga digital boxes at mga telebisyon na digital channel ready, mayroon na ring cellphone units na inilalabas na kayang maka-access ng digital television channels.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.