Lake Sebu, South Cotabato, isinailalim sa state of calamity dahil sa fish kill
Isinailalim na sa state of calamity ang Lake Sebu sa South Cotabato dahil sa fish kill.
Ito ay matapos umabot sa milyun-milyong piso ang halaga ng mga isdang nasawi.
Ayon sa Municipal Agriculture Office, tinatayang nasa P120 milyon na ang halaga ng mga isdang namatay sa Lake Sebu.
Nagsimula ang massive fish kill sa Lake Sebu noong pang January 27.
Nagsasagawa na ng paglilinis ang mga otoridad sa lugar.
Nakatakda namang makipagpulong ang lokal na pamahalaan sa mga namamahala sa mga fish cage para maiwasan ang insidente gaya nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.