“Sabit ba si Justice Sec. Aguirre sa P50M bribery?” – sa ‘WAG KANG PIKON ni JAKE MADERAZO
ITO ang tanong ng marami sa imbestigas-yon ng Senate blue ribbon committee kina da-ting Immigration commissioners Al Argosino, Mike Robles at Intelligence chief Charles Ca-lima.
Sa Huwebes, February 16, ang susunod na hearing kung saan dadalo si middleman Wally Sombero na nakauwi na sa bansa mula sa pagkakasakit sa Canada.
Ang alam natin nga-yon, nagbigay ng P50 milyon cash noong Nov. 27 si Sombero kina Argosino at Robles para pang-areglo sa pagkakahuli ng 1,300 Chinese sa Fontana Clark.
Sabi nina Argosino, nagbi-build-up sila ng kasong bribery laban kay Jack Lam kaya nila tinanggap at inuwi ang ebidensyang pera. Pero, ang kaso ay walang official document ng Bureau of Immigration para gawin ito.
Hindi rin ito sakop ng kanilang trabaho bilang deputy Commissioners. Ang lagayan ay nakunan ng CCTV ng City of Dreams kung saan, katulong ni Sombero si Gen. Calima sa umano’y entrapment..
Pero, ang malaking misteryo ay nagkita sina Sombero, Jack Lam at Sec. Aguirre sa Shangrila The Fort noong Nov. 26 , isang araw bago ibinigay ang P50 milyon.
Ayon kay Aguirre, ang sinabi niya kay Sombero ay huwag makipag-usap kay Calima kundi sa 5-man committee na binuo niya sa bureau para sa Fontana case at kasama sa grupo sina Argosino at Robles.
Sabi naman ni Sombero, nakita niya sa hotel si Argosino at si-nabi sa kanya ang “demand” nitong P50 mil-yon. Pero, hindi naman daw siya nagkalakas loob na isumbong kay Aguirre sa kanilang “lunch” ang hinihingi nina Argosino. Bagkus, ‘ninong” ang naging u-sapan.
At kinabukasan nga , Nov. 27, kinuha na ng dalawa ang pera kay Sombero sa City of dreams.
Kaya naman ang tanong, nagbigay ba ng “go signal” si Aguirre sa dalawang BI commissioners na ituloy ang o-perasyon kay Lam? Magkakuntsaba nga ba sina Aguirre at mga ka-brod nito sa Lex Taliones fraternity?
Sa ngayon, ang alam natin ay pinawalang-sala nina Argosino at Robles si Sec. Aguirre sa nangyaring bigayan ng pera. Kahit si Calima ay ganoon din ang sinasabi. Mismong si Sombero ay nagsabi sa text kay Aguirre: “Sir, for the record, I’m watching the hearing. The same words as General Calima texted you, I’m clearing you of any knowledge on this extortion scandal”.
Nang makalabas ng bansa si Sombero kahit nasa BI lookout bulletin, tahasang sinabi ni Aguirre na nagkalagayan sa airport immigration kaya nakalusot ito. Bagay na pinabulaanan ni Immigration Chief Jaime Morente.
Ngayong Huwebes, haharap na itong si Sombero sa Senate blue ribbon committee at kung pagbabatayan ang naunang deklarasyon ng abugado niyang si Atty. Kay Contacto, inaasahan kong igigiit ni Sombero na ito”y “consummated extortion” o saradong kaso ng pangingikil nina ex-BI Deputy commissioners Argosino at Robles.
At muli ang tanong, “solo flight” nina Argosino at Robles sa pangingikil o meron itong bendisyon ng ka-brod nilang si Sec. Aguirre?
Sa mata ng publiko, itong sina Argosino at Robles ay dapat nang i-naaresto, kinukulong at sana ay manlaban para magkaroon ng hustisya rito.
Sa ngayon, sa aking palagay, ay hindi pa sabit si Sec. Aguirre, pero, paano kung iba ang ikanta ng middleman na si Sombero sa Huwebes? Abangan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.