Tourist bus, naaksidente sa Taiwan, 32 ang patay

AFP PHOTO
AFP PHOTO

Patay ang 32 katao makaraang maaksidente ang isang tourist bus sa Taiwan lulan ang mga turista mula sa pagbisita sa seasonal na cherry blossoms.

Naganap ang aksidente Lunes ng gabi at itinuturing itong ‘worst road accident’ sa bansa sa nakalipas na ilang dekada.

Pauwi na sana ang mga turista mula sa kanilang biyahe sa central region sa Taichung nang mawalan ng kontrol ang bus at maaksidente.

Maliban sa 32 na nasawi, mayroon pang labingdalawa na gingagamot sa ospital at karamihan sa kanila ay nagtamo ng seryosong pinsala sa katawan.

Ayon kay Chen Chih-min ng Taipei City fire department, pawang matatanda ang biktima at lahat ng pasahero ng bus ay Taiwanese.

 

 

Read more...