Wally Sombero, nakabalik na ng bansa
Dalawang araw bago ang nakatakda niyang pagharap sa pagdinig sa senado, nakabalik na sa bansa ang retiradong pulis na si Wally Sombero.
Si Sombero ay itinuturing ng senado na ‘missing link’ sa P50 million bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI).
Lumapag ang sinasakyang Philippine Airlines flight ni Sombero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) alas 9:00 ng umaga mula sa Vancouver, Canada.
Sa maiksing pahayag, sinabi ni Sombero na hindi niya pinlanong magtago. Nangibang bansa umano siya para magbakasyon.
Ani Sombero, wala siyang intensyon na hindi bumalik sa bansa.
Tiniyak din ni Sombero na magsasabi siya ng katotohanan sa kaniyang pagharap sa senate hearing sa Huwebes.
Samantala, inatasan naman ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang National Bureau of Investigation (NBI) na maglaan ng stand-by agents sakaling humiling ng protective custody si Sombero.
Si Sombero ay bigong makasipot sa tatlong magkakasunod na pagdinig na isinagawa ng senado hinggil sa bribery scandal dahil nasa ibang bansa ito para umano magpagamot.
Ex-PNP Wally Sombero arrives at the NAIA on PR119 from Vancouver pic.twitter.com/AVakGsGjhQ
— Jeannette Andrade (@jiandradeINQ) February 14, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.