Temperatura sa Baguio City, Tuguegarao at Metro Manila, mas lumamig ngayong araw
Lalo pang lumamig ang temperatura sa bansa ngayong umaga ng February 14, Valentine’s Day.
Ayon sa PAGASA, pinakamalamig ang temperaturang naitala sa Tuguegarao City kaninang alas 6:30 ng umaga na 17.7 degrees Celsius.
Sa Baguio City naman, kaninang alas 6:00 ng umaga naitala ang pinakamababang temperatura na 8.0 degrees Celsius.
Ito na ang pinakamababang temperatura na naitala sa Baguio City ngayong taon.
Sa Metro Manila naman, malamig din na 19.2 degrees Celsius ang naitala sa Science Garden sa Quezon City.
Una nang sinabi ng PAGASA ngayong buwan ng Pebrero ang huling bugso ng Amihan kaya mararamdaman pa ng publiko ang malamig na panahon sa susunod na mga araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.