Dagdag na presyo sa mga de lata, inihirit sa DTI
Humihirit ng dagdag presyo sa mga produktong de lata ang Philippine Association of Meat Processors.
Ito ay dahil sa umanoy pagtataas ng presyo ng lata, raw materials, produktong petrolyo at pagbagsak ng piso kontra dolyar.
Hirit ng grupo, 3% hanggang 5% na pagtaas sa presyo ng de lata.
Kung maaaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI), mangangahulugan ito na ang isang lata ng corned beef na ang halaga ay P30.90 ay taaas ng hanggang P31.50 bawat isa.
Habang ang presyo naman ng sardinas, nasa 30 hanggang 60 centavos ang posibleng itaas,
Tiniyak naman ng DTI na dadaan sa matinding pag-aaral nila ang hirit na dagdag-presyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.