Supporter ni Duterte na si Lorraine Badoy, itinalagang asst. secretary sa DSWD

By Kabie Aenlle February 14, 2017 - 04:27 AM

 

Lorraine-BadoyIsang masugid na taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinakabagong appointee ngayon, na naitalaga bilang assistant secretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kinumpirma mismo ni DSWD Sec. Judy Taguiwalo sa INQUIRER.net ang pagkakatalaga kay Lorraine Marie Badoy sa kagawaran, na ibinahagi rin ng bagong opisyal sa kaniyang Facebook account.

Ayon kay Taguiwalo, masaya niyang inaanunsyo na bahagi na ng kagawaran si Badoy bilang assistant secretary.

Dahil isang physician by profession si Badoy, itinalaga siya ni Taguiwalo sa pagbibigay ng medical assistance sa mga drug dependents na sumasailalim sa rehabilitasyon, na binigyan ng P1 bilyong pondo ng pangulo.

Ayon pa sa kalihim, si Badoy ay isang doctor of medicine na matagal nang tumutulong sa mga nabiktima ng super bagyong Yolanda.

Hindi lang aniya ang mga kaalaman sa aspetong medikal ang maibabahagi ni Badoy sa DSWD, kundi pati rin ang kaniyang malasakit sa pagtulong nang walang bahid ng kurapsyon.

Si Badoy ay anak ni dating Sandiganbayan Associate Justice Anacleto Badoy na namuno sa third division na duminig sa paglilitis kay dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.