Pagpatay, hindi solusyon sa problema sa droga sa bansa – Villegas
Nanindigan si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na hindi solusyon sa problema ng bansa sa iligal na droga ang pagpatay sa mga tao.
Paliwanag ni Villegas, hindi maaring gamiting solusyon ang pagpatay sa mga taong pumapatay sa kapwa nila tao dahil sa iligal na droga.
Nilinaw pa ni Villegas na hindi naman niya sinasabing hindi seryoso ang problema ng paglaganap ng iligal na droga. Giit niya, seryosong isyu ito na dapat maresolbahan.
Gayunman, iginiit rin ni Villegas na hindi naman solusyon ang pagpatay dahil magdudulot lang ito ng “culture of revenge” na bumabalewala na sa karapatan ng mga tao.
Aniya, ang tunay na solusyon ay ang pagkakaroon ng alternatibong paraan para solusyunan ang kahirapan dahil ito ang mas malaking problema na pinagmumulan ng problema sa droga.
Bukod aniya sa problema sa ekonomiya, isa rin itong problema sa values.
Kaya payo ni Villegas, posibleng hindi na kailanganing harapin ang problema sa droga kung mabibigyan ng trabaho ang mga mamamayan, at mas mapapaganda ang sistema ng edukasyon at values formation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.