Mga mining groups, tumutulong na rin sa relief operations sa mga biktima ng lindol

 

Inquirer/contributed photo

Tumutulong na rin ang iba’t ibang mga pribadong grupo at maging mga grupo ng mga negosyante upang maibsan ang problemang kinakaharap ng mga residenteng naapektuhan ng malakas na magnitude 6.7 na lindol sa Surigao Del Sur.

Kabilang sa mga nangunguna sa pagbuo ng mga relief efforts ang Chamber of Mines Caraga Region Inc. na nagpakalat ng mga tauhan upang makapamahagi ng mga relief goods sa mga apektadong residente.

Bukod dito, nagpaikot na rin ang grupo mga water truck sa mga lugar na walang suplay ng tubig sanhi ng mga naputol na linya ng tubig at kawalan ng kuryente.
Ayon naman kay Dumlar Raagas, presidente ng CMCRI, nakahanda ang kanilang mga miyembro na mamigay rin ng mga construction materials upang magamit sa pagkukumpuni ng mga nasirang mga paaralan at mga opisina ng gobyerno.
Sa pinakahuling tala, nasa walo katao ang kumpirmadong nasawi sanhi ng kalamidad samantalang umaabot na sa P108 milyon ang inisyal pinsala sa mga imprastraktura sanhi ng lindol.

Read more...