PSC ititigil na ang pondo ng ilang National Sports Associations
Pinaplano na ng Philippine Sports Commission (PSC) na gawing opisyal ang desisyon nitong pagtigil sa pagbibigay ng pondo sa ilang National Sports Associations (NSA) na hindi maganda ng performance kahit na nakakatanggap ito ng malaking financial support sa PSC.
Ayon kay PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na magkikita-kita ang board ng PSC para magpasa ng resolusyon para matigil ang pagbibigay ng pondo.
Dagdag ni Ramirez na ang swimming at tennis ang ilan lang sa mga NSA na maaring tanggalan ng pondo mula sa naturang ahensya.
Sinisisi ni Ramirez si Philippine Olympic Committee (POC) sa nakakalungkot na na kalagayan ng sports sa bansa at ang pagiging overstaying ng maraming NSA officials.
Kanya ring sinabi na kinunsinte ng POC ang naturang iregularidad dahil karamihan sa mga nasa NSA officers ay siya ring nakaupo bilang mga opisyal ng POC.
Binigyang-diin ni Ramirez na kahit hindi makakatanggap ng pondo ang mga nasabing asosasyon hangga’t walang repormang isinagawa sa mga ito ay tuloy-tuloy pa rin naman ang full financial support para sa mga coaches at mga atleta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.