Pia Wurtzbach, hinamon ang kanyang mga bashers

 

Nakakatanggap pa rin ng bashing si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach dalawang linggo na ang nakakalipas makaraang maipasa ang korona.

Hinamon ni Pia ang kanyang mga detractors na ipagpagtuloy ang pangba-bash sa kanya sa halip na magalit sa mga ito.

Sa kanyang Twitter account, kanyang pinost ang naturang sentimiyento pati na rin ang pagpapakita ng suporta kay Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina na nakakatanggap din ng mga negatibong komento.

Umani naman ng papuri ang naging tweet ni Pia mula sa mga fans.

Hinimok din ng mga tagahanga na magpatuloy lang na ‘mag-move forward’ ang dalawang beauty queen.

Matatandaang una dito na patuloy ang naging pagsuporta ni Pia kay Maxine sa naging kampanya nito sa Miss Universe.

Read more...