Pia Wurtzbach, hinamon ang kanyang mga bashers

By Rod Lagusad February 14, 2017 - 04:28 AM

 

pia-wurtzbach-manila-homecomingNakakatanggap pa rin ng bashing si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach dalawang linggo na ang nakakalipas makaraang maipasa ang korona.

Hinamon ni Pia ang kanyang mga detractors na ipagpagtuloy ang pangba-bash sa kanya sa halip na magalit sa mga ito.

Sa kanyang Twitter account, kanyang pinost ang naturang sentimiyento pati na rin ang pagpapakita ng suporta kay Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina na nakakatanggap din ng mga negatibong komento.

Umani naman ng papuri ang naging tweet ni Pia mula sa mga fans.

Hinimok din ng mga tagahanga na magpatuloy lang na ‘mag-move forward’ ang dalawang beauty queen.

Matatandaang una dito na patuloy ang naging pagsuporta ni Pia kay Maxine sa naging kampanya nito sa Miss Universe.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.