Mar Roxas-Vilma Santos tandem, isinusulong ng LP

August 16, 2015 - 08:53 AM

 

roxas-vilma inq fileSeryoso ang Liberal Party na isulong ang isang Mar-Vi o Mar Roxas-Vilma Santos-Recto tandem sa 2016 Presidential Elections.

Ayon kay DILG Secretary Mar Roxas, magiging isang “hard to beat at outstanding” vice presidential candidate ang multi-awarded actress at kasalukuyang Batangas Governor.

Kumpleto aniya sa karanasan si Gov. Vi, mula sa pagresolba sa mga kakulangan sa budget hanggang sa paglutas sa mga isyu ng agrikultura bilang pinuno ng lalawigan ng Batangas.

Gayunman, hindi naman kinumpirma pa ni Roxas kung nagkaroon na ng pormal na usapan sa pagitan nilang dalawa upang kumbinsihin ang gobernadora na tumakbo bilang kanyang running mate para sa 2016.

Si Gov. Santos-Recto ay isa sa mga dumalo sa Liberal Party forum sa Greenhills San Juan City noong nakaraang Agosto 3, bilang pagpapakita ng suporta ng mga miyembro ng partido sa pagiging Liberal Party standard bearer ni Roxas.

Gayunman, matatandaang sa nakaraang panayam ng Radyo Inquirer kay Governor Vilma Santos-Recto, sinabi nitong wala siyang planong tumakbo bilang pangalawang pangulo.

Kung sakaling siya ay tatakbo, mas nanaisin niyang tumakbo bilang Kongresista, upang patuloy na mapagsilbihan ang mga taga-Batangas. – Inquirer/Jay Dones

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.