Malacañang nagpaliwanag sa na-delay na mga relief goods sa Surigao

By Chona Yu February 13, 2017 - 07:56 PM

Surigao quake12
Inquirer photo

Nagpaliwanag ang Malacañang kung bakit naantala ang pamamahagi ng relief goods sa mga nabiktima ng lindol sa Surigao Del Norte.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang lokal na pamahalaan ang nagdesisyon na hintayin ang pangulo bago ipamahagi ang relief goods.

Una rito, umaangal ang mga biktima ng lindol dahil alas- singko pa lamang ng umaga kahapon ay nakapila na para sa relief goods.

Gayunman, pasado alas-dos na ng hapon ng nakatanggap ng tulong ang mga biktima dahil hinintay pa ang pagdating ng pangulo.

Aminado si Abella na walang sapat na distribution system kung kaya natagalan ang pamamahagi ng relief goods.

Dagdag pa ng kalihim na noong Sabado o kinabukasan pagkatapos ng malakas na lindol noong Biyernes ng gabi, dumating sa Surigao City ang team ng DSWD-Caraga Region para sa initial assessment sa pinsala at para alamin bilang ng mga pamilyang apektado.

Umabot sa 3,000 food packs ang naipamahagi kahapon nang magkasundo ang mga opisyal ng DSWD-Caraga Region, local government, barangay officials at Surigao City Council para sa mas mahusay na sistema ng relief goods distribution.

TAGS: abella, dswd, duterte, relief goods, surigao, abella, dswd, duterte, relief goods, surigao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.