Puspusan ang ginagawang paglilikas ngayon ng mga otoridad sa mga residente sa ibaba ng Oroville Dam ssa California dahil sa pangambang pag-guho nito sa mga susunod na oras.
Sinabi ni Butte County Sheriff Kony Honea na inabisuhan na nila ang mga residente partikular na sa Anderson, Chico Susanville at Red Bluff na maghanda sa inaasahang pagbaha.
Unti-unti na umanong bumibigay ang bahagi ng emergency spillway dahil hindi nito kinaya ang water pressure makaraang isara ang major spillway ilang linggo na ang nakalilipas.
Isa sa mga pinag-aaralan ngayon ng mga eksperto ay ang maglalagay ng mga bato sa pamamagitan ng malalaking chopper sa paligid ng emergency spillway.
Sa pamamagitan umano ng nasabing engineering intervention ay mabibigyan ng suporta ang bahagi ng dam na nagkaroon ng major soil erosion sa mga nakalipas na araw.
Ang Oroville Dam ay matatagpuan sa Sierra Nevada mountain range sa silangang bahagi ng Sacramento Valley.
Natapos ang paggawa dito noong 1968 at itinuturing na pinaka-malaking dam sa U.S na may taas na 230 meters.