Rape sa lalaki, kabilang na sa mga krimeng papatawan ng death penalty

death-penalty-0517Matapos magbawas ang mga kongresista sa listahan ng mga kasong papatawan ng parusang kamatayan sa ilalim ng Death Penalty bill, may nadagdag naman gaya ng kaso ng panggagahasa sa mga lalaki.

Si Ako Bicol Party List Rep. Rodel Batocabe, ang nagsingit ng rape sa mga lalaki sa mga kasong nararapat na patawan ng death penalty.

Katwiran ni Batocabe, sa kasalukuyan ay sexual assault lamang ang kategorya ng panggagahasa sa mga lalaki.

Iginiit niya na dapat pareho ang trato sa kaso ng rape sa mga babae at rape sa mga lalaki.

Dagdag ni Batocabe, pwedeng magkatulad ang aggravating circumstance ng panggagahasa sa mga babae at ang rape sa mga lalaki gaya kung menor de edad at pinatay rin ang biktima.

Magkapareho rin aniya ang epekto nito kung pag-uusapan ang trauma.

Matatandang tinanggal ng mga mambabatas ang plunder sa mga kasong nakalista sa mga papatawan ng parusang bitay, na umani ng mga batikos.

 

Read more...