Tagaytay radar, sasailalim sa shutdown sa Marso ayon sa CAAP; biyahe ng mga eroplano, maaapektuhan

By Dona Dominguez-Cargullo February 13, 2017 - 11:54 AM

New CNS/ATM system | Photo from DOTr
New CNS/ATM system | Photo from DOTr

(UPDATE) Isasailalim sa ilang araw na shutdown ang Tagaytay radar para sa maintenance at pag-upgrade ng pasilidad.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines Deputy Director General Capt. Manuel Antonio Tamayo, ang shutdown ay gagawin mula March 6 hanggang 11 at mangangagulugan ito na dalawang radars lamang ang matitira para maging gabay ng mga eroplanong papaalis at palapag.

Ngayon umaga, nakipagpulong ang CAAP sa mga kinatawan ng mga airline company dahil kinakailangan ding magbawas ng bilang ng flights sa panahon na nakasailalim sa shutdown ang Tagaytay radar.

Sinabi naman ni CAAP Dir. Gen. Capt. Jim Sydiongco, kapag sinimulan na ang shutdown sa Tagayatay radar, hahaba ang proseso ng aircraft separation sa mga non-radar arease.

Sa kabuuan, sinabi ng CAAP, na mula sa 40 magiging 32 na lamang kada oras ang flights sa panahong isinasagawa ang maintenance shutdown.

Dahil dito, pinayuhan ng CAAP ang mga pasahero na may naka-schedule na biyahe mula March 6-11 na makipag-ugnayan sa mga airline company.

Paliwanag ng CAAP, kinakailangang isagawa ang shutdown para makasabay ito sa world-class traffic control system.

Ayon sa CAAP, gamit ang bagong communications, navigation, surveillance / air traffic management (CNS/ATM) system, mas magiging ligtas at organisado ang mga flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ng CAAP na target nilang maipatupad ang uninterrupted at seamless air ftraffic flow sa Philippines airspace gamit ang bagong sistema.

Sa ilalim ng CNS/ATM system, magtatayo magkakaroon ng 45 bagong pasilidad sa buong bansa ang caap kabilang ang traffic management building at sampung bagong radar facilities.

 

TAGS: air traffic, airline, CAAP, dotr, DOTr presscon, NAIA, Tagaytay Radar shutdown, air traffic, airline, CAAP, dotr, DOTr presscon, NAIA, Tagaytay Radar shutdown

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.