Globe, may libreng tawag at libreng charging booths sa Surigao

By Dona Dominguez-Cargullo February 13, 2017 - 10:57 AM

Libreng Tawag GlobeNagtayo ng libreng tawag at libreng charging booths ang kumpanyang Globe sa Surigao City.

Ito ay upang matulungan ang mga residenteng naapektuhan ng magmnitude 6.7 na lindol noong Biyernes.

Ayon sa abiso ng Globe Telecom ang libreng tawag at libreng charging stations ay magagamit na ngayon ng mga residente sa Surigao City na nais makipag-ugnayan sa kanilang mga kaanak na nasa malayong lugar.

Matatagpuan ang libreng serbisyo ng Globe sa Luneta Park at sa Provincial Gym sa Rizal kanto ng Gonzales Street sa Surigao City.

Bukas ang serbisyo araw-araw mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi sa Luneta Park, Surigao City at alas 9:00 naman ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi sa Provincial Gym.

 

 

TAGS: free charging stations, globe telecom, Libreng Tawag, surigao, free charging stations, globe telecom, Libreng Tawag, surigao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.