MRT maagang nakaranas ng aberya; shortened operation, ipinatupad
(UPDATE) Maagang naperwisyo ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) ngayong Lunes ng umaga.
Ito ay makaraang makaranas ng aberya ang biyahe ng MRT at nagpatupad ng shortened operation.
Sa abiso ng MRT, simula alas 6:21 ng umaga, North Avenue Station hanggang Shaw Station at pabalik lamang ang biyahe ng MRT.
Habang inihinto muna ang biyahe mula Shaw Boulevard Station hanggang sa Taft Station at pabalik.
Ayon sa abiso ng MRT, mayroong naranasang technical problem sa pagitan ng Boni Avenue at Shaw Boulevard.
May nakita umanong sirang riles o broken rail sa pagitan ng dalawang nabanggit na istasyon na na-detect ng signalling system ng MRT.
Agad namang tinugunan ng mga tauhan ng MRT ang problema at alas 7:05 ng umaga ay naibalik na sa normal ang biyahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.