North Korea, sinabing tagumpany ang ginawang pagpapakawala ng missile
Inanunsyo ng North Korea na naging matagumpay ang ginawa nitong muling pagpapakawala ng medium range ballistic missile.
Sa ulat ng Korean Central News Agency ang “Pukguksong-2” strategic weapon system ay matagumpay na naisailalim sa test-fire kahapon.
Ginamitan umano ng solid propellants at bagong makina ang nasabing missile na pinakawalan kahapon ng umaga sa Banghyeon sa North Pyongan Province.
Present sa missile launching si North Korean leader Kim Jong-un.
Ito ang unang pagkakataon na nagpakawala ng missile ang North Korea mula nang maupo sa pwesto si U.S. President Donald Trump.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.