QCPD, bigong maisilbi ang arrest warrant sa mastermind ng pagpatay sa car racing champ Enzo Pastor

August 15, 2015 - 08:42 PM

Inquirer file photo

Bigo ang mga pulis na madakip ang mastermind sa pagpatay sa racing champ na si Enzo Pastor.

Ayon sa homicide section chief ng Quezon City Police Department na si S/Insp. Elmer Monsalve, wala na ang suspek na si Domingo “Sandy” De Guzman III nang puntahan nila ito sa kaniyang tahanan sa BF Homes, Paranaque para arestuhin dala ang warrant of arrest.

Pinuntahan rin aniya ng mga pulis ang kaniyang negosyong custom car shop sa Muntinlupa City ngunit iginiit ng kaniyang mga empleyado na hindi na nila alam kung nasaan si De Guzman.

Nauna nang nanawagan si Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit head Chief Insp. Rodelio Marcelo kay DE Guzman na sumuko na lamang at wag nang hintayin pang hulihin siya ng mga otoridad.

Matatandaang idineklara ring suspek ang asawa ng biktima na si Dalia Guerrero Pastor na hinihinalang kasabwat ni De Guzman, na inatasan naman ang isa pang suspek na gunman na si Edgar Angel.

Nasa kustodiya na ng mga pulis si Angel na umamin na inarkila siya ni De Guzman na patayin si Enzo Pastor sa halagang P100,000 dahil aniya sinasaktan nito ang asawang si Dalia.

Noong Martes naglabas ng hold departure order ang korte para kay Dalia, ngunit paniwala ng mga pulis, matagal na itong nakaalis ng bansa./Kathleen Betina Aenlle

TAGS: enzo pastor slay, enzo pastor slay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.