Flagdown rate sa taxi, balik ₱40 na simula ngayong araw

Cebu-TaxiEpektibo ngayong araw ng Lunes, February 13, balik na sa 40 pesos ang flagdown rate sa taxi sa buong bansa.

Sa abiso ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), 40 pesos na muli ang flagdown rate sa taxi sa unang 500 metro ng biyahe.

Wala namang magiging paggalaw sa succeeding meters at waiting time.

Iiral ang 40 pesos flagdown rate sa taxi sa buong bansa maliban ang sa CAR o sa Cordillera Administrative Region.

Para sa CAR, 35 pesos pa rin ang flagdown rate sa taxi para sa unang 400 meters.

 

 

 

Read more...