NPA, nagdeklara ng tigil-putukan sa Surigao matapos ang lindol
Tumugon ang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa panawagan ng kapayapaan ng mga sundalo sa lalawigan ng Surigao at ilang bahagi ng Agusan del Norte matapos itong yanigin ng magnitude 6.7 na lindol.
Nakiusap kasi ang militar sa mga rebelde na huwag atakihin ang mga sundalo na maghahatid ng tulong sa mga tinamaan ng disaster.
Sa pahayag ni Ka Oto na tagapagsalita ng NPA sa rehiyon, sinabi niyang sinimulan nila ang pagpapairal sa unilateral interim ceasefire sa mga tropa ng pamahalaan mula noong February 11.
Magpapatuloy aniya ito hanggang sa makabawi o makabwelo na ang probinsya mula sa kalamidad.
Tiniyak ni Ka Oto na hindi sila sasalakay laban sa mga militar sa kasagsagan ng interim ceasefire, hangga’t hindi rin sasalakayin ng mga sundalo ang kanilang mga teritoryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.