Marami sa mga naapektuhan ng nakasusulasok na amoy ay nakaranas ng hirap sa paghinga, pananakit ng mata at pagsusuka.
Bukod sa 50 nadala sa ospital, daan-daang pasahero rin ang pinalikas palabas ng naturang paliparan sa gitna ng mala-yelong temperature dahil sa amoy na hinihinalang kumalat mula sa airconditioning system.
Napilitan rin ang mga otoridad ng Hamburg airport na pansamantalang ipahinto ang mga flights palabas at papasok ng Hamburg dahil sa insidente.
Muli lamang napanumbalik ang operasyon ng paliparan makalipas ang mahigit dalawang oras.
Inaalam pa rin ng mga otoridad kung anoing uri ng kemikal ang pinagmulan ng naturang nakasusulasok na amoy na nalanghap ng mga biktima.