8 na ang naitalang patay sa lindol sa Surigao-PDRRMC

 

Mula sa PIA Surigao Del Norte

Mula sa anim, umakyat na sa walo ang bilang ng nasawi sanhi ng magnitude 6.7 na lindol na tumama sa Surigao Del Norte, Byernes ng gabi.

Ayon sa Surigao Del Norte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), nakilala ang walong nasawi na sina:

1. Lorenzo Dequino, 86
2. Justina Roda, 83
3. Robert Eludo Jr., 40
4. Wilson Lito, 36
5. Rommel Tano, 17
6. Jenelyn Ebale, 5
7. JM Ariar, 4
8. Wenefreda Bernal

Nasa 126 na katao naman ang napaulat na nasaktan sanhi ng lindol.

Patuloy naman ang nararanasang mga afteshocks sa lalawigan sa kasalukuyan.

Sa ngayon, umaabot na sa mahigit 130 aftershocks ang naitatala ng Phivolcs sa Surigao Del Norte.

Read more...