75,000 residente sa Greece, pinalikas dahil sa natagpuang WW II bomb

By Jay Dones February 13, 2017 - 04:25 AM

 

greece bombAabot sa 75,000 residente ng isang syudad sa northern Greece ang napilitang lumikas sa kanilang lugar matapos madiskubre ang isang 500-pound na bomba mula pa noong World War II sa kanilang lugar.

Sa tulong ng lokal na pamalahaan ng Thessanoliki, Greece pansamantalang inialis ang mga residente sa kanilang mga tahanan sa pangambang aksidenteng sumabog ang naturang bomba na nadiskubre sa ilalim ng isang gasolinahan.

Karamihan sa mga residente ang pansamantalang inilipat sa mga gymnasium malayo sa lugar ng Kordelio, kung saan nadiskubre ang bomba.

Ang ilan naman ay nakitira pansamantala sa kani-kanilang kaanak habang sinisikap na i-defuse ang naturang bomba ng mga eksperto.

Ayon sa ilang mga matatandang residente, naaalala pa nila nang bombahin ang naturang lugar ng mga eroplano ng Britanya at Amerika noong Sept, 1944.

Target umano ng mga ito ang mga riles ng tren na hawak noon ng Nazi Germany.

Posible anilang ang natagpuang bomba ay isa sa bomba na ibinagsak ng ‘Allies’ o naiwan ng mga German sa lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.