DOH, nagpadala ng psychiatrists at psychologists sa Surigao del Norte kasunod ng malakas na lindol

By Mariel Cruz February 12, 2017 - 04:01 PM

Public doctors
FILE PHOTO

Nagpadala ang Department of Health ng psychiatrists at psychologists sa Surigao del Norte para sa mga residenteng na-trauma sa pagtama ng 6.7 magnitude na lindol sa lalawigan.

Ayon kay DOH Sec. Paulyn Ubial, ipinadala nila ng mga nasabing doctor para pakalmahin ang mga pasyenteng biktima ng malakas na lindol.

Bukod pa dito, nagpadala din ang DOH ng mga tent para sa mga residente na mas pinipiling matulog sa labas ng kani-kanilang bahay.

Dose-dosenang residente sa Surigao City ang natulog sa tent sa provincial capitol compound dahil sa patuloy na nararamdamang aftershocks sa lungsod.

Sinabi din ni Ubial na nagsasagawa sila ng psycho-social debriefing sa mga apektadong residente.

Aabot sa anim na tao ang nasawi habang mahigit dalawangdaan naman ang nasugutan dahil sa malakas na lindol na nagdulot din ng pagkakasira ng daang daang bahay, mga gusali, kalsada, tulay at maging ang runway ng Surigao Airport.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.