Palasyo, umapela ng malinis na tubig para sa mga residente ng Surigao City

By Mariel Cruz February 12, 2017 - 03:41 PM

Water rateUmapela sa publiko ang Malacanang ng malinis na tubig na maiinom para sa mga residente ng Surigao City at iba pang tinamaan ng 6.7 magnitude na lindol sa Surigao del Norte.

Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar, na makipag-ugnayan lang sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nongovernment organizations at private individuals na nais magpaabot ng ayuda sa mga naapektuhan ng malakas na lindol.

Pinaka problema aniya ngayon sa Surigao ay ang kawalan ng suplay ng malinis na tubig na maaaring inumin ng mga residente.

Kung kaya’t nananawagan ang Palasyo sa mga NGO na tumulong sa pamamagitan ng pagpapadala ng malinig na tubig.

Dagdag ni Andanar, kasalukuyang nagbabagsak ng mga relief goods ang C130 military cargo planes sa Butuan airport.

Binanggit din ng opisyal na hanggang ngayon ay sarado pa rin ang Surigao airport dahil sa pinsalang idinulot ng lindol sa runway nito.

Kaninang tanghali, personal na binisita at kinamusta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga naging biktima ng malakas na lindol sa Surigao City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.