Duterte, kinamusta ang mga biktima ng 6.7 magnitude na lindol sa Surigao

By Isa Avendaño-Umali February 12, 2017 - 02:33 PM

duterte drugs1
FILE PHOTO

Personal na bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Surigao ngayong araw ng Linggo, para kamustahin ang mga apektado ng 6.7 magnitude na lindol na tumama noong Biyernes.

Kasama ni Pangulong Duterte na dumating sa Surigao City ang ilang opisyal ng gabinete sa pangunguna ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo.

Dinagsa ng mga tao ang Surigao Auditorium, kung saan nagbigay ng mensahe ang presidente.

Ito’y sa kabila ng mga naranasang aftershocks ngayong araw.

Sa kanyang pagharap sa mga biktima ng lindol, hindi nag-tagalog si Pangulong Duterte sa ilang pagkakataon at sa halip ay nag-Bisaya siya.

Ayon kay Presidente Duterte, ang mahigit isang bilyong piso ay alokasyon para sa mga gamot at iba pang relief supplies na kailangan ng mga apektadong Surigaonon.

Nauna nang sinabi ng DSWD na aabot sa 1.6 billion pesos ang ayudahang inihanda ng pamahalaan para sa mga nabiktima ng lindol.

Inamin naman ng punong ehekutibo na naging mabagal ang pagdating ng mga tulong sa Surigao City dahil sa mga nasirang imprastraktura, gaya ng mga kalsada at tulay.

Nakikiramay din siya sa mga pamilya ng mga nasawi sa lindol.

Sa kabila nito, sinabi ni Pangulong Duterte na nagpapasalamat siya dahil marami sa mga residente ang naka-ligtas pa rin sa malakas na lindol, kumpara noong Supertyphoon Yolanda na libu-libong tao ang nasawi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.