Pinangunahan ni DOTr Sec. Arthur Tugade ang assessment sa nasabing paliparan.
Dahil sa malakas na lindol, nagdulot ito ng malalim na crack sa runway ng airport.
Dumating kahapon si Tugade sa Surigao ilang oras matapos mag-isyu ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng notice to airmen o NOTAM.
Ayon sa DOTr, maliit lamang na pinsala ang idinulot ng lindol sa tower, airport terminals, pasilidad at wala naman nasugatan na staff ng paliparan.
Nagpadala na ang CAAP ng engineers na magsasagawa ng mas detalyadong assessment para mas mapabilis ang pagre-repair sa nasirang bahagi ng airport.