DOTr, nagsagawa ng assessment sa Surigao airport

By Mariel Cruz February 12, 2017 - 11:03 AM

Surigao Quake6Nagsagawa ng assessment ang Department of Transportation sa Surigao City Airport na napinsala ng 6.7 magnitude na lindol na tumama sa lalawigan.

Pinangunahan ni DOTr Sec. Arthur Tugade ang assessment sa nasabing paliparan.

Dahil sa malakas na lindol, nagdulot ito ng malalim na crack sa runway ng airport.

Dumating kahapon si Tugade sa Surigao ilang oras matapos mag-isyu ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng notice to airmen o NOTAM.

Ayon sa DOTr, maliit lamang na pinsala ang idinulot ng lindol sa tower, airport terminals, pasilidad at wala naman nasugatan na staff ng paliparan.

Nagpadala na ang CAAP ng engineers na magsasagawa ng mas detalyadong assessment para mas mapabilis ang pagre-repair sa nasirang bahagi ng airport.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.