Ito’y pagtalima na rin sa Republic Act 7581, o Section 6 ng Price Act of the Philippines.
Sa advisory ng DTI, sinabi nito na ang presyo ng basic necessities ay otomatikong ‘frozen’ o walang paggalaw, mula sa pagpapatupad ng state of calamity.
Kabilang sa sakop ng price freeze ay ang mga bigas, mais, tinapay, isda at iba pang marine products; mga baboy at manok; mga itlog, gatas, kape at asukal; mga gulay, prutas at root crops.
May price freeze din sa bentahan ng sabong panligo at panlaba, uling, kandila, mga gamot, tubig sa mga bote at containers, instant noodles, liquefied petroleum gas o LPG at kerosene.
Ang mga naturang produkto ay nasa ilalim ng price freeze ng hindi lalagpas sa animnapung araw, maliban sa LPG at kerosene na hanggang labing limang araw lamang.
Ang lalabag ay mahaharap sa parusang pagkabilanggo sa loob ng isa hanggang sampung taon; o magmumulta ng P5,000 hanggang isang milyong piso, o pareho.