Price freeze sa mga produkto, epektibo sa Surigao kasunod ng lindol

By Isa Avendaño-Umali February 12, 2017 - 10:32 AM

DTIKasunod ng deklarasyon ng State of Calamity sa Surigao City dahil sa pagtama ng 6.7 magnitude na lindol, ipinaalala ng Department of Trade and Industry na epektibo na rin ang price freeze sa mga produkto.

Ito’y pagtalima na rin sa Republic Act 7581, o Section 6 ng Price Act of the Philippines.

Sa advisory ng DTI, sinabi nito na ang presyo ng basic necessities ay otomatikong ‘frozen’ o walang paggalaw, mula sa pagpapatupad ng state of calamity.

Kabilang sa sakop ng price freeze ay ang mga bigas, mais, tinapay, isda at iba pang marine products; mga baboy at manok; mga itlog, gatas, kape at asukal; mga gulay, prutas at root crops.

May price freeze din sa bentahan ng sabong panligo at panlaba, uling, kandila, mga gamot, tubig sa mga bote at containers, instant noodles, liquefied petroleum gas o LPG at kerosene.

Ang mga naturang produkto ay nasa ilalim ng price freeze ng hindi lalagpas sa animnapung araw, maliban sa LPG at kerosene na hanggang labing limang araw lamang.

Ang lalabag ay mahaharap sa parusang pagkabilanggo sa loob ng isa hanggang sampung taon; o magmumulta ng P5,000 hanggang isang milyong piso, o pareho.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.