North Korea, nagpakawala ng ballistic missile patungong Japan Sea
Nagpakawala ng ballistic missile ang North Korea ngayong araw ng Linggo.
Ito ang kinumpirma ng defense ministry ng South Korea ang sinabing ito ang kauna-unahang simula nang umupo si Donald Trump bilang bagong pangulo ng United States.
Inilunsad ang missile kaninang 7:55 ng umaga sa Banghyon air base sa western province ng North Pyongan.
Nabatid na lumipad ang nasabing missile patungong Japan Sea.
Ayon sa tagapagsalita ng South Korea defense ministry, hindi pa nila nababatid kung anong klaseng ballistic missile ang pinakawalan ng NoKor.
Pero hinala ng South Korean military, posibleng nagsagawa ng test-launched ang NoKor ng isang intermediate-range Musudan missile.
Matatandaang noong nakaraang taon, dalawang beses nagpakawala ang North Korea ng Musudan missile mula sa parehong airbase.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.