Simula kahapon, umabot na sa mahigit talumpung aftershocks ang naitala sa Surigao City.
Dahil dito, nanatili sa mga kalsada ang mga apektadong residente kung saan karamihan ay nakapuwesto sa labas ng provincial capitol.
Sinabi ng Philvocs na asahan ang mga sunud-sunod na malalakas na aftershocks na posibleng tumagal hanggang sa buwan ng Marso.
Samantala, bagaman unti-unti nang ibinabalik ang suplay ng kuryente sa probinsya, marami pa rin mga lugar ang wala pang kuryente dahil sa nasirang electric posts at power lines.
Maging ang munisipalidad ng San Francisco, na pinaka tinamaan ng malakas na lindol ay wala pa rin suplay ng kuryente.
Bukod dito, problema din ang suplay ng tubig sa maraming lugar sa Surigao City dahil sa kawalan ng kuryente.